<body>
kidnapmyheart
Take me away cause falling in love ain't very far
information
shut up and sit down

There's one thing a quote does that nothing and no-one else can do; it can become a part of you. You may never meet the person who said it, but that person is now a companion. Quotes help you get over pain. Feel loved. Make you smile & laugh and help you through those tough days when you think no-one else knows what you're going through. To share your english quotes, tagalog quotes, jokes, corny pick-up lines, bob ong quotes just send them at quotesbox@yahoo.com or 09199573767 for SMART 09275990427 for GLOBE.


affiliates
hook me up

Ahmed. Aileen. AJ. Alexx. Alona. Alyssa. Ameraberr. An - An. Andi. Angela. Anjhelikah. Ann. Arah. Arianne. Arriane. Athena. Aurora. Awpel. B. Belle. Bianx. Blanne. Blood Eater. Bonz. C. Candice. Caryl. Cath. Charchar. Charmoii. Chie. Chrissy. Claiie. Daniella. Dean. Den. Divina. Eica. Enday. Epi. Erika. Eura. Gem. Genyze. Ghera. Gie. Gladys. Gryshee. Hersixth. Jara. Jatrice. Jeanne. Jeru. Jha. Jhanna. Jhie. Jillian. Jnx. Joan. Joane. Jonaxx Stories. Joshua. Joycee. Joyxe. Karen. Kathleen. Kezhia. Khristel. Kirstie. Kyra. Lara. Lavinia. Lei. Lhyzie. Lin. Lyzlyz. Mae. Mai. Marga. Marion. Marla. Marlene. Marly. Marky. Marrien. Mary Angel. Melody. Mervz. Mia. Milrose. Mimi. Mikayla. Miraa. Mocha. Monikels. Nadine. Nelou. Nettie. Nikki. Nishy. Neym. Nijin. Nikka. Nikz. Omi. Oswald. Paola. Paola. Patricia. Paw. Porxuhh. Rae. Rania. Ranyah. Rare Footages. Rej. Rianne. Rie. Riecel. RJ. Rod. Roland. Rosa. Roxy. Rubee. Ruby. Russet. Sah. Sam. Shalee. Shalla. Super Gulaman. Survey Girl. Steffie. Thea. Thel. Tin. Traveler's Journey. Vijay. Vulture. Yal.


tagboard
scream your lungs

memories
scary flashbacks

SPECIAL POSTS

Twilight 1-30

INSPIRATIONAL QUOTES

Inspirational Quotes 1- 30
Inspirational Quotes 31- 60

QUOTES

Quotes 1- 30
Quotes 31- 60
Quotes 61- 90
Quotes 90- 120
Quotes 121- 150
Quotes 151- 180
Quotes 180- 210
Quotes 211-240
Quotes 240- 270
Quotes 271- 300
Quotes 301- 330
Quotes 331- 360
Quotes 361- 390
Quotes 391- 420
Quotes 421- 450
Quotes 451- 480
Quotes 481- 510
Quotes 511- 540
Quotes 541- 570
Quotes 571- 600
Quotes 601- 630
Quotes 631- 660
Quotes 661- 690
Quotes 691- 720
Quotes 721- 750
Quotes 751- 780
Quotes 781- 810
Quotes 810 -840
Quotes 841- 870
Quotes 870- 900
Quotes 901- 930
Quotes 931- 960
Quotes 961- 990
Quotes 991-1020
Quotes 1021- 1050
Quotes 1051- 1080
Quotes 1081- 1110
Quotes 1111 - 1140
Quotes 1141 - 1170
Quotes 1171 - 1200
Quotes 1201 - 1230
Quotes 1231 - 1260
Quotes 1261 - 1290
Quotes 1291 - 1320
Quotes 1321 - 1350
Quotes 1351 - 1380
Quotes 1381 - 1410
Quotes 1411 - 1440
Quotes 1441 - 1470
Quotes 1471 - 1500
Quotes 1501 - 1530
Quotes 1531 - 1560
Quotes 1561 - 1590

SHORT STORIES

Short Stories 1-30

TAGALOG QUOTES

Tagalog Quotes 1- 25
Tagalog Quotes 26- 50
Tagalog Quotes 51- 75
Tagalog Quotes 76- 100
Tagalog Quotes 101 -130
Tagalog Quotes 131- 160
Tagalog Quotes 161 - 180
Tagalog Quotes 181 - 210

BOB ONG QUOTES

Bob Ong Tips
Bob Ong Quotes 1- 25
Bob Ong Quotes 26-50
Bob Ong Quotes 51 - 80

JOKES

Jokes 1 - 30
Jokes 31 - 45
Jokes 45 - 75
Jokes 76 - 100
Jokes 101 -125
Jokes 126 - 150
Jokes 151 - 180
Jokes 181 - 210
Jokes 211 - 240
Jokes 241 - 270
Jokes 271 - 300
Jokes 301 - 330
Jokes 331 - 360
Jokes 361 - 390

CORNY PICK - UP LINES

Pick - up Lines 1- 20
Pick - up Lines 21 - 40
Pick - up Lines 41 - 60
Pick - up Lines 61 - 80
Pick - up Lines 81 - 100
misc
anything goes here


credits
its easy to clap
Layout : materialisti-c
Resources:
Tagalog Quotes 181 - 210
Sunday, April 19, 200910:59 AM
181. Imagine your life pag wala ako. Walang malambing, walang makulit, walang nagbabawal, walang nanggugulo. Okay yun di ba? But at one point, masaya ka ba na walang VEA sa buhay mo?

182. Wag ka ng mag- isip at bigyan ng dahilan ang isip para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.

183. Kahit anong bagal ng paglakad ko, kung hindi naman niya ako gustong habulin, hindi talaga niya ako maaabutan, kahit na mag- stop over pa ako.

184. Sa college:
> kanya – kanyang diskarte
> di uso ang section
> di uso ang good moral
> walang masyadong guidance
> walang principal’s office
> sa quiz, di uso one whole, yellow pad ang in
Pero alam mo kung ano ang pinakamasarap sa pagiging college na wala sa elementary at highschool? Hindi uso ang cleaners.

185. Mahirap magtago ng sikreto lalo na kunga ng sikretong tinatago mo ay ang mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sas mundo.

186. Ang pag- ibig ay hindi hinihintay. Hindi hinahanap. At mas lalong hindi kusang dumarating. Ito pala ay dapat inaagaw.

187. Girl: Anong mas pipiliin mo, dota o ako?
Boy: Dota.
G: Bakit?
B: Ang dota kasi pwedeng laruin pero ikaw hindi kasi masyado kitang mahal para paglaruan at saktan.

188. Hirap umasa sa hindi mo alam kung ano ka bas a kanya. Hindi mo alam kung san ka dapat lumugar. Hirap magdesisyon kasi minsan akala mo mahal ka niya pero ang totoo, pinasasaya ka lang niya kasi alam niyang mahal mo siya.

189. Pag tinanong ka ng iba, “Marami namang iba diyan, bakit siya pa?” Eto isagot mo sa kanila, “Kung nauuhaw ka, iinumin mo ba ang dagat dahil tubig din yun?”

190. Never trust words of love whispered at a beach, under the moon or any romantic and beautiful place or ideal momen. Kalokohan yun. Pero kapag na- flat ang gulong ng sasakyan, mainit na mainit ang araw, masakit ang ulo ninyo, nagkakainisan na kayo at sinabi niyang mahal ka niya, dun ka maniwala. In short, you will know that true love works with someone if they still love the other person even at the worst times of their lives.

191. Sabi nila, it is not the students fault if they fail in their subjects. Why? It is because the year has 365 days and when you take this into consideration:
Sundays and rest days = 52/ year
Days left: 313
Summer= 50 days, mahirap mag- aral kapag mainit
Days left: 263
Sleep, kelangan 8 hours araw araw = 130 days
Days left: 141
Relaxation, kelangan 1hr/ day sabi nila good for health = 15 days
Days left: 126
Food, 3 meals/ snacktime 2 hours estimate, dapat chew properly = 30 days
Days left: 96
Chitchat, “as a social animal” sabihin ng 1hr/day ay nakikipagchikahan = 15 days
Days left: 81
Exams = mga 35 days
Days left: 46
Fiestas/ Holidays for rally = 37
Days left: 9
Illness, nagkakasakit ka rin naman minsan let us say 4 days a year
Days left: 5
Orgs, syempre may orgs act pa, 4 days para dun
Days left: 1
One day left and that day is your birthday. How can you study on that day?
Day left: 0! Wala! None!
Saan mo ngayon isisingit ang pag- aaral?

192. Isang repleksyon:
“Kung sa mundong ito, normal at tama lang patayin ang mga taong ayaw mo. Sa tingin mo ba, buhay ka pa hanggang ngayon?”

193. Di ko sinsadyang mapalapit sa’yo. Nagising akong di ko na kayang wala ka. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, parte ka na ng buhay ko kapag wala ka, kulang ako.

193. Progress notes ng isang malanding nurse:
- receive patient conscious, coherent and handsome with great smile, nice eyes at super hotness lever
- GSH (great sense of humor) assessed
- THB (totally hot body) inspected
- friendster checked and recorded
- (+) sign of intelligence and wealth
- (-) sign of boastfulness
- conversation rendered
- encouraged flirting
- needs very much attended
- due cellphone number given
- TLC (tender lovin care) rendered
- endorsed to best friend

194. Ang tunay na kaibigan ay katulad ni Doraemon. Kapag humiling ka, tatanggi sa una. Pero hindi ka din matitiis. Sasamahan ka din sa mga kalokohan mo. Sasakay din sa mga kagustuhan mo. Pero sa banding huli, tuturuan ka pa rin ng leksiyon para malaman mo kung ano ang tama.

195. Minsan kelangan mo din makalimot para ikaw naman ang maalala.

196. Sa buhay, hindi mahalaga kung anong meron ka at kung anong narrating mo. Ang mahalaga ay may alak na mura, may tunay na tropa at may jowa kang pwedeng irampa.

197. Pwedeng lahat ng taong darating sayo, marunong umunawa, magpahalaga at matutunan kang mahalin. Sa maga yun, piliin mo yung hindi marunong magsawa kasi lahat marunong magmahal pero hindi lahat nagtatagal.

198. Ang pag – ibig ay parang ulan. Kung kelan hindi ka handa tska naman bubuhos. Kahit naong tago mo, mababasa ka. Ang masaklap pa kung kelan nag- eenjoy ka na tsaka titila at mawawala.

199. If your crush keeps staring at you and you can’t help but notice, just tell him/ her this: “Kalma lang. Makikita mo pa ako bukas.”

200. Symptoms of certified single:
- palagi nasa bahay
- panalo ang social life
- hayop sa tulog
- gadget addict
- gm ng gm ng quotes
- palagi bagong hair cut
- tumataba
- porma to the max
- mukhang happy kahit hindi

Symptoms of certified taken:
- walang pera
- mukhang laspag
- kuripot
- blooming para hindi iwan
- walang social life kundi jowa niya
- may simcard siyang sun
- palaging wala sa bahay
- boring kausap
201. Sabi nila, “Enough na!” Sabi nila, “Move on na!” Sabi nila, “Bitawan mo na.” Alam mo ang sabi ko? Simple lang naman, “Paano kung bukas mahal na niya ako, sayang naman di ba?”

202. Nung iniwan mo ako pinilit kong kalimutan ka pero kapag nag- iisa ako ikaw pa din nasa isip ko. Nagkulang ba ako para iwan mo? O napasobra pa ang pagmamahal ko para pagsawaan mo?

203. Ang buhay daw ay parang pelikula. Pero bakit ganun? Sa pelikula ko, siya ang bida. Sa pelikula niya, nahagip lang ako ng camera.

204. Tatlong college students, nagpagalingan kung paano nila mapapasagot and isang girl…
Engineering student: Igagawa kita ng malaki at matibay na bahay basta bas a pagpasok mo, handa ka na din maging bahagi ng buhay ko.
Nursing student: I will take care of you for the rest of our life basta ba forever ka ng naka- confine sa puso ko.
Law student: Simple lang ang sasabihin ko. Oo o hindi lang ang sagot, pumapayag ka ba magpakulong sa mundo ko sa kasong pagnanakaw ng puso ko?

205. Klase ng mga manginginom:
Point guard – mahilig magpass ng tagay
The transporter – palipat – lipat ng pwesto, iwas tagay
The martyr – nagpapanggap na kaya pa kahit senglot na
Kid senti – dami naaalala kapag nakainom na
The fugitive – maglalahong parang bula
Kung fu – kung fumulutan malupit, tirador ng pulutan, ginagawang picnic
The chosen one – official runner sa tindahan, bili ng yosi, yelo, alak
Spiderman – gumagapang na sa daan pag- uwi kalasingan

206. Hindi ka manlalamig sa taong mahal mo kung hindi ka nakikipaglandian sa iba.

207. Ang lalaki nadaling mahalin kapag pogi, galnte o may kotse. Ang hindi nila alam, mas masarap nahalin ang lalaking walang maipagmamalaki kundi ikaw.

208. Naaalala mo ba yung taong minahal mo? Minahal mo pero sinaktan ka. Galit nag alit ka at ayaw mo na siya makita. Hmm. If I know, pag nakita mo siya, pa- cute ka pa rin.

209. Harapin mo lang yung mga bagay na akala mo hindi mo kaya. Parehas lang yun eh. Kahit bukas o ngayon, yun pa rin yun.

210. 12 midnight:
(Boy was drunk and calls his special friend.)
B: Hello! Anong ginagawa mo?
G: Tulog na, gabi na kaya.
B: Hindi mo man lang hinintay tawag ko?
G: Hindi eh.
B: Namiss mo ba ako?
G: At bakit kita mamimiss?
B: Kunwari ka pa, mahal mo lang din naman ako eh.
G: Ganun? Matulog ka na. Antok na din ako.
(Pagbaba ng phone.)
G: Hay, sana lagi na lang siyang lasing para ako ang mahal niya.
B: Hay, sana habang buhay na lang akong malasing para magka – lakas loob akong masabing mahal ko siya.

Labels:

back to the top
Tagalog Quotes 161 - 180
Sunday, February 8, 20092:11 PM
161. Bakit ang tao pag mahal mo, iiwan ka? Kapag iniwan mo, mamahalin ka? Pag mahal mo, siya lang talaga. Pero sya naman, may mahal ng iba! Ang sakit, no? T*ngina kasing pag-ibig yan!! NAUSO PA! Paking Sh*t!

162. Wag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak magshare ng problema. Para kang nang-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay.

163. Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!

164. Mali ang ginawa mo. Kahit kaya mong gawin ang isang bagay, hindi nangangahulugan na dapat mo itong gawin.

165. Hindi mo dapat iniiyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang iyong hinaharap.

166. Ang talagang makakapagpasaya sa atin ay yung taong naging dahilan kung bakit tayo nalungkot.

167. Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.

168. Only 1 thing can occupy a given space at a given time kaya ako? Hindi ako naniniwala na ang isang puso kayang magmahal ng dalawa. It's either joke lang yung love dun sa isa o kaya sa sobrang liit ng pagmamahal dun sa isa nagkaroon pa ng space para magmahal ng iba.

169. Di lahat ng lesson nakukuha sa classroom. Ang pag-ibig ay di nasosolve sa Algebra. Walang Scientific names o momentum. Walang wrong grammar o formula. Di lahat ng mahal ay masakit sa bulsa. Yung iba masakit sa dibdib. Di mo matututunang magmahal. 'Gat di mo nararanasang umibig.

170. Ang love parang sugal. Minsan talo, minsan panalo, minsan tiba tiba, minsan bawi lang. Pero alam mo kung ano masakit? Ang makita mong panalo ka na sana, kaso HINDI KA TUMAYA.

171. 95% true and insulting fact: Kapag ang kabarkada mo nagkaroon ng lovelife, hindi ka na rereplyan.

172. Ang tao marunong din mapagod, magsawa at sumuko. Kaya dapat hindi inaabuso, hindi winawalang bahala at hindi sinasantabi. Kasi pag ang tao napuno, kahit ano pa mangyari, wala na siyang pakialam pa sayo.

173. 'Auditory agnosia', a pure word deafness where the word is clearly heard but seems unfamiliar or not easily understood like foreign language.
Parang ganito:
Boy: Mahal kita.
Girl: Ha??

174. Ang love parang sapatos. Dalawang dulo ang kelangan para magbuhol pero isang dulo lang ang kelangan para kumalas.
- Mr. Quickie

175. GF: Bat ba twing nagdedate tayo, ang porma- porma mo? Ako, simple lang. Hindi na ako nagpapacute.
BF: Di naman ako nagpapacute e.
GF: E bakit ganyan ka pumorma?
BF: Para crush mo pa din ako kahit tayo na.

176. Ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON ay wala na ring saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. Ang tao puwedeng magadjust pero ang bagay at panahon hindi.

177. Napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror na teachers at mahihirap na subjects.

178. Ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na nakikita sa mga pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw , ibon, puno at mga bulaklak.

179. Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.

180. Madalas ang wrong send ay hindi naman talaga wrong send at ang blank text ay hindi naman talaga napindot lang. Ganyan mag papansin ang ayaw mag first move.

Labels:

back to the top
Tagalog Quotes 131- 160
Friday, November 7, 200810:16 PM
131. Hindi madaling magmahal ng iba, lalo na kung sa nakaraan ay may minahal ka ng sobra, pero minsan kailangan kalimutan ang nakaraan dahil ang magandang dahilan ay matatagpuan mo, sa kasalukuyan.

132. Masakit isipin na nagmahal ka sa taong alam mong di pwedeng mahalin. Subalit pano mo sya matututunang kalimutan, kung habang dumaraan ang mga araw, mas lalo mo syang minamahal..

133. GIRL and BOY with their friends in the school canteen.
BOY: mauna na ko. [sabay grab sa hands ng GIRL patayo din.]
GIRL: bakit?
BOY: [pointing on a sign board that says do not leave your VALUABLE things unattended.]

134. A girl woke up and texted his bf.
“Good morning po! I love you.” The guy replied, “Good am din pero baka nakakalimutan mo. HINDI na po tayo.”

135. In a girl’s life, there are many struggles, fears, heartbreaks and sadness but it doesn’t really matter at all. Our main goal is “MANATILING MAGANDA SA KABILA NG PROBLEMA.”

136. Ako yung tipo ng taong kumerengkeng man ng todo, kiligin sa iba at magka- crush ng tatlong dosena ang puso ko naman ay para lang sa iisa.

137. PSEUDO – RELATIONSHIP
No commitments involved. You are uncertain ton your role in his/ her life. You can’t expect him/her to be always there for you. You can’t demand. You can’t be jealous. There is no US. Meron lang “me” and “you.” You can’t be sure of his/her feelings for you. And this will make you wonder where you are in the relationship or if there is a relationship at all. But why do ithers still settle for this kind of relationship? For fun? Kilig feeling? Para lang may makasama habang wala ang real thing? Maybe. But if one gets cold then that’s the end of everything. The relationship is false but surely the pain is real. You will be miserable hoping to being back what you used to have. Only to find out that he/she has another pseudorelationship with somebody else. Hirap no? but that’s the consequences kasi from the start wala ka na,ang pinanghahawakan dahil PARANG kayo lang pero hindi naman talaga. At usually hanggang dun na lang. Hay ironic no?

138. Bakit ang tao kadalasang sinsabi, “Iiwan na kitang mag- isa ha.” Pero ako, hindi mo maririnig sa akin yan lasi para sa akin mas maganda kaoag, “Maiiwan tayong dalawa ah kahit mawala man silang lahat.”

139. Ang sakit palang malaman na yung mahal mo ay massaya kahit wala ka na.

140. Hindi ko alam kung kayak o siyang patawarin, kung kaya kong kalimutan lahat ng kasalanan niya.

141. MASARAP DAW MAGING SINGLE:
1. Palagi gumigimik
2. Pwede uminom lagi
3. Walang nangingialam sayo
4. Nagagawa mo lahat
5. Pwede i-date kahit sino
PERO pagkatapos ng kasiyahan at nag- iisa ka na, Masaya pa rin kaya? Masaya ang single pero mas Masaya kung pag- uwi mo, may taong naghihintay sa’yo at magsasabing, “Honey, how’s your day? Namiss po kita” Oh, di ba?

142. Okay lang masaktan at umiyak. Okay lang magselos at magtampo. Wag ka lang manahimik pag alam mong tama ka. Babae ka eh at nagmamahal ka pero wag nya lang sasabihing lalaki siya para saktan at paluhain ka. Just like what elders said before, “Ang babae ay parang bulaklak. Wag mo ng pipitasin kung sisirain mo rin lang.”

143. Kung tatanungin niya kung ilang beses siyang pumasok sa isip ko, kasinungalingan kung sasabihin kong maraming beses. Minsan lang siyang pumasok sa isip ko at kahit kelan hindi na sya natanggal at naalis.

144. Minsan madali sabihing kaya mo, madali sabihing mag- cool off, madali sabihing laimutan pero when you came to the point na nagmahal ka na ng sobra lahat ng madali mahirap gawin di ba?

145. Natuto akong magmahal hanggang sa nasaktan at di nagtagal iniwan, binalewala, kinalimutan. Ewan ko ba! Ang hirap! Kaya ang tanong ko, bakit ang pag- ibig nauso pa? pati tuloy ako nadamay pa.

146. Hindi naman dahil sa sakit kaya ako umayaw o sa pambabalewala kaya ako bumitaw. Basta bigla na lang nawala. Siguro kusang puso na ang nagsabing, “Tama na. Ginagawa ka na niyang tanga.”

147. Imaging yourself naglalakad sa tabing dagat, palubog ang araw at bigla na lang may lumapit sa’yo, siya ang taong minahal mo ng sobra pero iniwan ka. Sinabi niyang, “I want you back. Please, I beg you. I still love you.” Ramdam mo ang sincerity nya at alam mong mahal mo pa rin siya. Ngunit sa di kalayuan, maligayang kumakaway sa’yo ang taong bumuo ulit ng muso mo, hinihintay ka. Mananatili ka bang nakatayo o ihahakbang ang mga paa mo kahit na alam mong hindi ka na sigurado kung san ka pupunta?

148. Isipin mo na lang na ikaw abg huling pahina ng coloring book niya. Makukulayan ka, maghintay ka lang. Pudpod na ang crayola niyapagdating sayo, pero sigurado ka naman na hindi na siya lalampas sa mga guhit mo at wala ng next pagepagkatapos mo.

149. Ui, mahal mo ba siya? Oo o hindi?
Ang totoo, hindi ko intensyon na tanungin ka sa nararamdaman mo. Gusto kong maisip mo kung sino ang taong mahal mo. Psych lang yan, wala akong binanggit na pangalan pero naisip mo siya di ba?

150. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Hindi ko alam kung ano ginawa mo. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili ko. Pero ito lang ang alam kong totoo. Ikaw lng ang minahal ko nang ganito.

151. Alam mo,minsan di ko alam kung bakit di ka nagtetext. Nagtitipid ka ba? Walang time? O nagpapamiss? Kasi alam mo, kung nag-papamiss ka lang, effective!
152. Masasaktan ka ba kung iiwas ako sayo? Kung kakalimutan kita? Kung magmamahal ako ng iba? Siguro hindi. Pero bago ko gawin yun, gusto kong malaman mo na ako masasaktan sa gagawin ko.

153. Nangyari na ba minsan yung iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo, dahil sinaktan ka niya? Ang sakit sakit, talagang sobrang sakit tapos maiinis ka na lang dahil tatawag siya at
Hello pa lang niya, napatawad mo na.

154. Natagpuan mo na ba yung tsinelas ng buhay mo? Yung the right one for you? Alam mo sayang. Yung sa akin kasi nawala pa. Saan ka ba kasi pumunta?

155. Diba masakit kapag inagawan ka? Diba masakit kapag niloko ka? Diba masakit kapag pinaasa ka? Pero mas masakit kung umiiwas sha kahit na ramdam na ramdam mong mahal na mahal ninyo ang isa’t isa.

156. Minsan ang love ay parang ibon. Kailangan pakawalan, kailangan palayain. Babalik yun kung sayo pero kung hindi, hayaan mo na. Baka mas masaya sya sa piling ng iba.

157. Hindi na kita nahintay kasi napagod na ako. Ayoko nang masaktan kaya hindi na ako umasa. I’ll try to move on pero babagalan ko. BAKA SAKALING MAHABOL MO PA KO.

158. Sabi nila gago ako. Kasi daw ikaw ang mahal ko! Nasasaktan na raw, sige pa rin ako. Madami pa daw iba, lumingon lang ako,Tama sila. Madami pa nga diyan. Kaso may problema. MAHAL KO BA SILA?

159. Paano kung isang araw iwan na talaga kita? Hahabulin mo ba ako? Uubusin mo ba ang oras mo makita mo lang ako? Iiyakan mo ba ako kasi mahal mo ko? Hindi siguro kasi kung iicpin ko, pang ilang balik ko na ba to?

160. Mahirap magkunwari na masaya ka. Mahirap tumawa kahit nasasaktan ka na. Pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang magmahal ng iba para lang makalimutan sya.

Labels:

back to the top
Tagalog Quotes 101- 130
Wednesday, October 1, 20089:09 PM
101. Bakit ganon? Ang hirap magmahal ng sobra-sobra. Nagbago ka dahil sa kanya, ipinaglaban mo pa. Mahal na mahal mo sya samantalang sya, walang ibang ginawa kundi paiyakin ka.

102. Hinintay kita dahil akala ko ikaw na. Hinintay kita dahil akala ko totoo ka na. Hinintay kita kaya binalewala ko yung iba. Naghintay ako dahil mahal kita. Yun pala, naghintay ako sa wala. Ang laki kong tanga…

103. Sabi nila mas mabuting sabihin mo directly sa tao na mahal mo sya kasi baka makuha ka pa niyang mahalin. Bakit ako, sinabi ko na nga e parang wala pa rin siyang pakialam o baka manhid lang talaga ikaw?

104. Kapag mahal mo ang isang tao, hahamakin mo lahat, malaman niya lang na mahal mo sya talaga, kakayanin ang sakit, kahit di niya tanggapin. Kaya gusto kong sabihin na mahal kita, kahit alam kong di mo naman ako mahal.

105. Remember nung nag-wish ka sa falling star? Sabi mo, sana may lubos na magmahal sayo. After a few years, sabi mo di ka na naniniwala sa falling star. Kung alam mo lang, love na kita bago ka pa mag-wish.

106. Bakit ngayong wala ka na, tsaka kita napansin? Bakit ngayong iniwan mo na ako, tsaka kita binigyan ng halaga? At bakit ngayong may mahal ka nang iba, tsaka ko nalaman na mahal kita?

107. Nung gabing iyon, halos tumulo ang aking luha sa aking nadarama nang iyong sinabi: "Ayoko na." Masakit mang isipin, pero kailangan tanggapin, hindi naman pwedeng habang buhay ka akin.

108. Masakit kapag yung taong mahal mo iniwan ka. Masakit kapag nakita mo, may kasama siyang iba. Pero diba mas masakit kapag nakita mo na masaya sya? Masaya sya dahil wala ka na.

109. Bakit ba ganon? Parepareho sila, lahat iniwan ako, lahat sinaktan ako. Pero bakit ganon? Gusto ko pa rin magmahal. Alam mo kung bakit? Kasi alam ko, darating ka!

110. Magmahal? Oo! Marunong ako non! Yun bang tipong tanga ka na pero sige pa rin kasi mahal mo sya talaga? Pero sa bandang huli itatanong mo, "Tanga ba talaga ako? O mahal lang talaga kita?"

111. Takot akong mawala ka. Hindi ko alam kung bakit, hindi dahil hindi ako mabubuhay ng wala ka kundi dahil takot akong makita ka na mayroon ng iba kasi mahal kita.

112. Paano kung yung love mo, may love nang iba? Masakit pa don, close friend mo mahal niya! Shocks! Pero grabe, kahit masakit, ilalakad mo pa rin sha sa kanya. Kahit nakakamatay ng puso, basta para sa kanya.

113. Bakit ganon? May mga taong manhid, di nila nararamdaman na may nagmamahal sa kanila, kahit obvious na nga at lahat ng tao alam na. Kainis noh? Bakit? Guilty ka noh? Talaga! Dapat ma-guilty ka! Kasi, manhid ka!

114. Tanga daw ako nung pinakawalan kita, gago daw ako mas pinili kong lumisan ka, tangina ko daw pumayag akong magmahal ka ng iba, ulol sila, di ko kayang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong di ako mahal.

115. Paano mo malalaman na mahal ka niya? Simple lang, tumalon ka at isigaw mong mahal na mahal mo sya. Pero kung di ka niya saluhin, wag kang mag-alala. Ano pa ang silbi ko? Taga-salo mo kapag wala sta.

116. Na-feel mo na ba yung akala mo nakalimutan mo na sya. Wala na, tapos na ang lahat. Tapos, isang araw nagkita kayo, ngumiti sya sayo. Nasabi mo na lang "Tangina, mahal ko pa rin itong gagong 'to!"

117. Bakit ganon ang mga kaibigan? Kapag may kaaway ka ipagtatanggol ka, kapag may sakit ka babantayan ka, kapag may problema ka dadamayan ka, kapag masaya ka makikitawa sayo. Pero bakit kapag natutunan mong mahalin, lumalayo?

118. Lahat na ginawa ko para malapit sayo pero bakit hanggang ngayon, wala pa rin nagbabago? Alam na nang lahat na sayo ako'y may gusto, ngunit bakit parang nagkamali na naman ang puso ko? Masasaktan ba ulit ako?

119. Oo na, mahal mo sya. Ilang beses mo bang uulit-ulitin yan sa akin? Kahit na masakit, pakikinggan pa rin kita, sabi mo e! Pero, tangina naman, mag-ingat ka naman sa mga sinasabi mo, nakakasakit ka na ng ibang tao e.

120. Sabi nila kalimutan na kita, sabi nila maghanap na lang ako ng iba. Nasasaktan lang daw ako kapag kasama kita, dahil ibang tao ang mahal mo. Ang sabi ko sa kanila "E ano ngayon? Sya ang nasa puso ko."

121. Bakit kapag love natin ng sobra-sobra ang isang tao, handa nating iwanan ang lahat. Pero bakit ganon? Kahit lahat ginawa mo na, bakit wala pa rin magawa para makalimutan na niya yung mahal niyang di naman sha binibigyang halaga?

122. Naisip ko ang daya talaga. Nandito ako umiiyak habang sha ay masaya at may ibang kasama. Swerte ng taong ito, iniiyakan ko pero ang pinagtataka ko, kahit masakit, narito pa rin ako, naghihintay sayo.

123. Nung makita kita, sabi ko ikaw na nga. Nung una kitang makausap, sabi ko ikaw nga. Nung maging magkaibigan tayo, sabi ko sana ikaw na nga, pero bakit nung makita mo sya, sinabi mo sa akin na "Sya na nga."

124. Funny things about love: You are trying to forget someone kahit hindi mo kaya. Nagmamahal ka nang hindi nya alam. Seryoso sabay loko. Idedelete mo ang number nya, memorize mo naman! Hindi mo mahal pero iniisip mo. Wala kang paki, pero kung mag-alala ka, sobra-sobra. Habang binabasa mo ito, ngumingiti ka, nagkataon lang ba o gawain mo talaga?

125. Kahulugan ng umasa? Yun ung araw araw na patuloy kang naghihintay sa knaya, araw araw lagi mo syang iniisip kahit may iba sya. Hindi ganun kasakit pakinggan pero nakakamatay pag nararamdaman.


126. Girls? Definitely, magaganda! Dapat, siniseryoso kahit bolera, masarap naman magmahal. Sweet and loyal, pero kapag niloko, for sure iiyak. Pero kapag ok na, magsisisi ang nagpaiyak! Dahil ang girls, rumeresbak!

127. Sabi nila ang pag-ibig mahirap maintindihan, mas mahirap pa pag umasa ka, pero ang mas mahirap, ay hindi ka naman aasa, kung di ka binigyan ng rason para umasa diba?

128. Bakit kailangan makilala mo ang taong magpapatibok ulit ng puso mo pero hindi naman pala para sayo? Para saan pa ba sya? Tagahilom ng sugat ng nakaraan o tagadagdag ng sakit na nararamdaman?

129. Paano kaya kung kalimutan mo na sya, yung as in limot, tapos nagkita ulit kayo paglipas ng mga taon,masabi mo kayang “kumusta?¨ tapos ang sagot nya: “eto,mahal pa rin kita¨

130. Bakit kaya ang daling lumipas ng panahon? Parang nagyon masaya ka tapos maya maya malungkot mna...nakakatawa diba? Parang kahapon lang hawak mo sya,, tapos napikit ka lang, hawak na sya ng iba..

Labels:

back to the top
Tagalog Quotes 76- 100
Tuesday, August 19, 200811:01 AM
76. Akala ko mahal mo ako? Akala ko ako lang? Akala ko di mo ko sasaktan? Tangina! Akala ko lang yun! Tanga ko noh? Akala ko kasi di mo ko iiwan e, sinungaling ka pala.

77. Alam mo mahal kita. E ano naman pala sayo? Wala lang diba? Kahit na magmukha na akong tanga, ginawa na lahat at iniyakan ka, alam kong wala pa ring kwenta. Simpleng kaibigan lang naman ako diba?

78. Lord, let me accept the fact that this is the farthest that I can get, the closest I could be and the clearest that I shall see and no matter what I do, I can never make him love me too. Hanggang dito na lang talaga ako.

79. Bakit kaya may mga taong gustong mag-isa? Ako, ayoko nga! Malungkot. Nakakabaliw. Nakakagago. Nakaka-irita. Nakakamatay. Kayo ako, hinding-hindi kita iiwan kasi ayokong mangyari sayo yung ginawa mo sa akin.

80. Ngayon ay iniiyakan mo sya dahil nagkamali ka, pinaglaruan mo ang kanyang puso. Pero ngayon, hinahanap mo sya dahil mahal mo pa pala sya. Pero huli ka na, dahil puso niya'y akin na.

81. Mahal kita, matagal na. Alam ko din na mahal mo sya. Pero, sinabi ko pa rin sayo yung nararamdaman ko. Tapos, nagkita tayo, lumapit ka, sabay hirit: "Uy! Kami na!"

82. Umiyak ka? Dahil sa kanya na naman? Mahal mo sya diba? Pero may mahal syang iba. Ang sakit noh? Pero sana isang araw, malaman mo na di lang ikaw ang nasasaktan. Di mo lang napapansin na nandito lang ako, nagmamahal sayo.

83. Nung sinaktan mo ako, umiyak ako. Nung iniwan mo ako, tinanggap ko lang. Hindi kita pipiliting maging akin dahil alam ko kung ano ang magpapasaya sayo, sya.

84. Mahal kita, mahal mo sya. Sya naman di ka kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Ikaw kasi gago, sya naman manhid. Parang ikaw at ako… ikaw yung manhid, ako naman nagpapakagago sayo.

85. Miss you! Sobra! Grabe! Di ko nga alam bakit basta alam ko miss kita. Ah! Alam ko na dahilan! Kasi mahal kita, mahal na mahal! Ikaw? Miss mo rin ba ako?

86. Bakit ganon? Hindi pala lahat ng akala mo totoo noh? Dahil akala ko di kita kailangan, akala ko di kita mamahalin pero mali pala ako. At nung inaakala kong minamahal mo ako, ni minsan, di pala nagkatotoo.

87. Naiisip mo ba kung paano buhay mo nang wala ako? Siguro normal pa rin lahat para sayo. Pero sa akin? Siguro magmumukmok ako sa isang tabi nag-iisip kung bakit yung buhay ko parang kulang.

88. Kapag wala ka na, di na ako iiyak. Kapag wala ka na, di na ako malulungkot. Kapag wala ka na, di na ako matatakot. Kapag wala ka na di na ako magmumukhang tanga. Alam mo kung bakit? Kasi wala na rin ako.
89. Mahal mo pa sya? Mahal ka ba niya? Kasi may gusto sana akong sabihin, mahal kasi kita e! Kaya lang huli na ata. Pero kung wala na sya, nandito lang ako, naghihintay.

90. Sabi mo mahal mo ako, sabi mo rin seryoso ka. Nag-promise ka pa nga diba? Yun naman pala e, pero bakit hindi naging tayo? Siguro kasi andyan sya at mas mahal mo sya, diba?

91. Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo, muntik ko nang sabihin na mahal kita. Pero nung sasabihin ko na, napatigil ako. Dahil bigla mong sinabi, "Alam mo, miss ko na sya."

92. Isang araw, parang mahal mo ako. Isang araw, hindimo ako pinapansin at parang wala lang ako sayo. Isang araw, sabi mo mahal mo ako. Sabay isang araw sabi mo, "Uy! Loko lang yun ha! Baka seryosohin mo."

93. Sana ako na lang ang kaharap mo nung sinabi mong "Mahal kita" kasi yun din naman nararamdaman ko para sayo. Kung bakit kasi sa kanya pa. Yan tuloy, umiiyak ka na naman.

94. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sayo. Alam kong mahal kita, pero tama bang sabihin yun kung hanggang kaibigan lang tayo? Bakit hindi natin malagyan ng kahulagan sa bawat pagsabi mo na mahal mo rin ako? Kasi nga hanggang kaibigan lang tayo, hanggang doon na lang.

95. Bakit ba ako nagpapakagago sayo? Ano bang meron ka at minahal kita ng sobra? Lalo mo akong sinaktan nang malaman mong mahal kita. Hirap kasi sayo, di ka naman niya mahal pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo sa kanya. Mahal mo ba sya o pilit mo lang akong sinasaktan?

96. What if na-realize mong hindi pala sya? What if na-realize mong ako pala talaga? Pero what if nung time na yun, may mahal na akong iba at na-realize ko rin na hindi talaga tayo para sa isa't isa?

97. Ayaw mo ba sa akin? Sabihin mo naman yung totoo. Ang hirap kasi e, ang sakit-sakit. Lagi na lang akong umaasa sa taong minahal ko ng sobra-sobra…na iiwan lang pala akong mag-isa.

98. Our closeness means a lot to me. You cry, I cry. You laugh, I laugh. You jump out of the window, I won't! Instead, I'll catch you and say: "Di ba walang iwanan?"

99. Buong akala ko nakalimutan na kita. Pero nang malaman ko na may iba ka na, naramdaman ko, masakit pa rin pala. Pero hayaan mo, dito lang ako, maghihintay sa pagbalik ng pagmamahal mo.

100. Di naman ako umaasang mahalin mo ako. Ok lang naman sa akin kung ayaw mo talaga. Pero sana naman wag mo na ipamukha sa akin kung gaano mo sya kamahal. Kasi ang sakit e, ang sakit-sakit.

Labels:

back to the top
Tagalog Quotes 51- 75
10:56 AM
51. Minsan kahit ikaw ang naka – schedule, kelangan mo pa rin maghintay kasi hindi ikaw ang priority.

52. GF: Spell mo nga yung EMPTY?
Bobong BF: Uhm hindi ko alam eh, pero try ko. Dobol u – ay – ti –eych – ow – yu- ti – way- ow – yu?

53. Mahirap magmahal ng taong hindi sayo. Masasaktan ka kahit hindi dapat. Iiyak ka kahit hindi kayo. Pero higit na masakit ay alam mong mahal ka rin nya pero walang pagkakataon para mahalin ninyo ang isa’t isa.

54. “Para kay daddy at mommy, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.”
- Nobita
“Ang tunay na kayamanan ay pagkakaibigan.”
- Mojacko
“Kung mag- aaral ka lang ng mabuti, matutupad o lahat ng pangarap mo.”
- Doraemon
“Hindi masusolusyunan ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.”
- Meowth
“Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay.”
- Tom Sawyer
“Pa- minsan minsan, kelangan din natin matikman ang pagkatalo.”
-Judy Abott
Sino ang nagsabing wala tayong matutunan sa cartoons?

55. CUTE STORY
Since her crush didn’t talk to her, the girl missed him so much. One night while walking she saw her crush with another girl. Know what she did? She called her crush saying, “Hi baby! Sino sya? Sabi mo sabay tayong kakain? May kakausapin ka lang pala. I love you.” Her crush blushed and the girl who is with her cursh said, “O kayo nap ala ng cursh mo eh. Pahingi – hingi ka pa ng advice.”

56. Wag mo ipakita sa mga tao na malungkot ka kung wala kang balak magbahagi ng problema. Para kang nag- alok ng candy pero hindi mo naman ibibigay.
-Doraemon

57. Minsan ang mga bagay na pinapayo mo sa ibang tayo ay mas epektibo sa iyo.

58. Kapag dumating ang araw na naramdaman mong dalawa ang mahal mo, wag kang mamili pa. Dun ka na lang sa pangalawa. Bakit? Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung talagang mahal mo pa yung una, di ba?

59. Masarap maging single. Solo mo tiem mo. Walang dumadagdag sa problema. Hindi ka obligado magtext. Ang pagiging single ay talagang masarap pero di ko sinabing masaya.

60. Ang puso ko parang rubix cube. May susubok buuin pero susuko rin. May pipilit bumuo pero iiwan rin. Pero may taong dadaan at aayusin, at pag nabuo na bigla ulit sisirain.

61. MGA DAPAT TANDAAN ng mag- M.U.
1. Wag masyado mag- expect. Wala kayong commitment.
2. Pwede ka pagselos. Pwede ka magtampo.
3. Pwede makipagdate sa iba pero wag ng magpaalam.
4. Pwede mo sya lambingin.
5. At pag nakita mo syang may mahal ng iba, pwede ka umiyak. Pwede masaktan. Pero hindi mo sya pwedeng sumbatan dahil wala kang karapatan.

62. Minsan mahirap ibalik ang nangyari na. Mahirap magsisi kung huli na ang lahat. Minsan mahirap umiwas kung mahal mo talaga. Hirap din magmahal kung hindi naman talaga kaw ang minamahal niya.

63. Paano mo malalaman kung mahal mo isang tao? Kapag hinahanap-hanap mo ba? Kapag nami-miss mo? Siguro. Pero mahal mo talaga kapag masaya ka basta masaya siya, kahit sa piling ng iba.

64. Pinahalagahan kita, niloko mo ako. Inalagaan kita, pinabayaan mo ako. Minahal kita, sinaktan mo ako. Pinakawalan kita, iniwan mo nga ako.

65. Alam ko kung paano umiyak kasi umiyak na ako sayo. Alam ko kung paano masaktan kasi sinaktan mo na ako. Alam ko kung paano umasa kasi pinaasa mo na ako. Pero alam mo kung anong hindi ko alam? Hindi ko alam kung paano magmahal kasi kahit kailan hindi mo naman ako minahal.

66. Ganyan ka na ngayon, di mo na inisip na may masasaktan sa ginawa mo, inisip mo lang yung sarili mo. Bakit ba ganyan ka? Talaga bang manhid ka lang o di mo nga talaga ako mahal?

67. There are times I want to be mad, there are times I want to give you up, there are times I want to cry, but no matter how many times I think about that, I always end up saying "Tangina, mahal nga kita".

68. Paano ko sasabihin na mahal kita kung pag-aari ka na ng iba? Masakit man pero kailangan kong tiisin na kahit mahal kita, hindi na pwede kasi kanya ka na!

69. Masakit man isipin, alam kong may iba ka na. Ayoko man tanggapin, alam kong mahal mo talaga sha. Kaya ngayon, nandito ako nag-iisip, minsan umiiyak. Siguro dahil ikaw pa rin talaga.

70. I hate you! Why? Coz I don't hate you now, not even a little, not even at all. Galit ako sayo pero higit sa sarili ko dahil hindi ko magawang kalimutan ka hanggang ngayon.

71. How could you easily forget someone whom you love more than your life, whom you give almost everything even your own happiness, then suddenly tell you, "Sorry, di na kasi kita mahal e, sya na mahal ko."

72. Di ko ginusto, nahulog lang ako sayo. Di ko pinigilan kasi akala ko mahal mo rin ako. Di ko akalain, masasaktan ako ng ganito. Di ko napansin, mukha na pala akong tanga. Pero wala ka nang magagawa, mahal na kita.
73. Sayang, di ko sya binigyan ng isa pang pagkakataon. Sayang, sinarado ko agad yung puso ko. Sayang, iniwan ko na lang sya basta. Akala ko kasi mahal mo ko, di pala.

74. Isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan at parehas tayong nahirapan. Pero bakit ganon? Sa huli, sino lang yung natirang nagmamahal? Ako lang diba?

75. Sabi nila mang-gagamit ka daw. Sabi nila hindi mo naman daw ako mahal. Sabi nila nagtitiis ka lang daw sa akin. Sabi ko sa kanila, handa naman akong iwanan mo ako e, makita lang kitang masaya.

Labels:

back to the top
Tagalog Quotes 26- 50
Friday, May 30, 200810:47 PM
26. Paano kaya kung kalimutan mo na sya, yung as in limot, tapos nagkita ulit kayo paglipas ng mga taon,masabi mo kayang “kumusta?¨ tapos ang sagot nya: “eto,mahal pa rin kita¨

27. I’m not asking you to stay forever in my life. Just stay as long as you like no whys, no hows, no buts, no promises. Basta nandyan ka, it’s more than enough.

28. In love, when break up comes and its time to say goodbye, don’t doubt the love just because it didn’t last. May mga bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn’t mean na di na totoo. Some good things are just never meant to last forever. Okay lang un. Bless the parting and move on. Expect the tears, sorrows, sleepless nights and pain. Ika nga, it’s when you were hurt the worst that you love most. Kung di ka willing masaktan, wag ka na lang magmahal.

29. bawat tao may kapaguran. Pagod magmahal. Pagod umiyak. Pagod masaktan. Kaya ikaw, pahalagahan mo ang mga taong nagmamahal sayo dahil pag napagod yan kahit mahal ka nya, iiwan ka rin nya.

30. Masakit pag mahal mo, may kasamang iba. Naiinggit dahil lagi silang masaya, pero di mo lam pag ika’y nakatalikod, nakatingin sya sayo habang sinasabing: “Sana ipakita mo naming nagseselos ka!”

31. Pag may mahal ka, di mo maiwasang magduda. Minsan sinusubukan mo pang hulihin sya pero pano kung mapatunayan mong tapat talaga sya? Kakaguilty ba? Na habang sya nagtitiwala, ikaw naman puro panghihinala!

32. May mga bagay na kahit alam nating mali pinipilit nating maging tama. Bakit? Kasi dun tayo masaya. Kaw, ano pipiliin mo: tama na malungkot ka o mali pero masaya ka?

33. Sa buhay barkada mahina ang konsensya mas malakas kumapit ang impluwensya kaya kung ano man nakuha ko sayo, mabuti man o hindi, nagpapasalamat ako kasi nagkatropa ako ng isang maluppit na tulad mo.

34. Do you know that the words “kaw talaga” are sometimes used as a replacement for saying “I miss you.” Hindi mo alam yun no? IKAW TALAGA: )

35. Minsan lang sa buhay ng isang tao ang makahanap ng tunay na pagmamahal. Pero ano nga ba ang sukatan ng tunay na pagmamahal? Roses? Chocolates? Gifts? Kisses? Sa palagay ko mahal nya ako kapag pumunta sya sa bahay namen kahit umuulan, walang paying, inaapoy ng lagnat tapos bigla nyang sasabihin, “sumugod na ako para makita ka. Alam mo naming ikaw ang gamut ko di ba?”

36. “Kung sino may kailangan sya ang dapat lumapit.” Paano yung nalulunod? Sya din ba ang lalapit? Laugh, but look beyond the joke. It’s not always the people with worries that should come to us for help. Sometimes, we need to be sensitive enough to know when to make the first move.

37. Minsan kelangan ko magparamdam sa mhal ko, sa kaibigan ko, sa tropa ko, sa ka- berks ko sa katext kasi kund hindi baka magulat na lang ako isang araw tapos ang reply na lang nila saken eh “Who’s this?”
38. Hindi ko masabing kaya kong mabuhay ng wala ka kasi nabuhay na ko bago pa kita nakilala. Siguro mas magandang sabihing, “Ayokong mawala ka kasi masarap mabuhay kasama ka.”

39. May minahal ako pero iniwan ako, syempre masakit. Hinabol ko sya sabi ko, “Mahal kita at kelangan kita.” Alam mo sabi niya, “If you need me, I need someone too but definitely it’s not you.”

40. *Bakit ka nagpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam?
*Wag kang magpapakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga.
*Matuto kang sumuko at mang- iwan kung lagi ka namang sinasaktan.
*Imbis na magtanong ka ng, “hindi pa ba sapat?” Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
*Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.
*Wag kang magpadala sa salitang “Sorry” at “Ayokong mawala ka.” Kung totoo yun, papatunayan nya.

41. Ako raw yung taong devil. Minsan lang mabait pero hindi nila alam na ako yung devil na dadamay sa’yo oras na iwan ka ng mga mapagpanngap na anghel mo.

42. Hindi ako magagalit kung hindi mo ako mahal. Hindi ako magagalit kung may mahal kang iba dahil alam ko Masaya ka pero siguro ang ikakagalit ko lang ay pinaramdam mo na mahal mo ako tapos hindi naman pala totoo.

43. If I was an angel, I’ll guide you all the time. If I was a genie, I’ll take and grant all your wishes. But I’m just a nurse so wala lang. BP BP lang!kuha TPR pati inject inject tapos silence silence para sabihinh therapeutic communication. Hehehe.

44. Minsan umiiyak tayo pag nasasaktan. Sa pagluha natin nailalabas ang lungkot na nararamdaman natin pero minsan nagkukunwari akong maligaya sa harap ng iba. Tumatawa ako kahit ang totoo, hindi ko na kaya.

45. Milyong tawa na ang pinagsaluhan, ilang away na ang pinagdaanan. Heto pa rin tayo, buo at patuloy ang samahan. Sana kahit kelan, walang bibiti sa lubid ng barkadahan.

46. Sabi nila, wag na wag mo hahayaan mapalayo sayo yung mahal mo dahil baka makua pa ng iba. Sabi ko, di ko na kailangang gawin yun kasi kahit nasan pa sya kung mahal nya kong talaga, hindi sya magmamahal ng iba.

47. Dumating ako sa buhay mo, hindi ko alam kung nakadagdag ba ako ng problema sayo. Basta happy ako kasi sa buhay ko, nakilala ko ang gaya mo.

48. Ang pinakamahirap na parte ng paglayo sa isang taong hindi ka kayang mahalin ay ang pakshet na katotohanang hindi ka nya hahabulin.

49. Iba ang tinititigan sa tinitingnan. Ang tinititigan sa siang bahagi lang nakatingin. Ang tnitingnan, buong bahagi ang sinusuri. Iba rin ang iniintindi sa inuunawa. Ang iniintindi, pinipilit sa isipan. Ang inuunawa, alam kung bakit dapat ipilit sa isipan. Kung kaya dapat tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi titigan lang at intindihin.

50. Sa bawat duty at case study, sa bawat NCP at case presentation, sa bawat ret. dem samahan pa ng major exams at compare pati quail. Sa lahat ng BSN students. Konti na lang tol, tayo na ang magiging mga pasyente.

Labels:

back to the top
Tagalog Quotes 1- 25
10:45 PM
1. Wag mo pilitin ang puso mo na tumibok sa taong di mo gusto at lalong wag mong pilitin tumibok sayo ang puso ng taong di naman ikaw ang gusto.

2. May pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na di mababago. Minsan, akala natin may babalikan pa tayo pero pano kung yung taong yun ay napagod na sa dami ng pagkakamali mo? Paano ka na?

3. Pag may girl na nagsabi sayo na mas maganda sya sayo in any manner for any reason, i- heas to foot mo and ask her, “ay talaga?maganda ka?sang banda? tska iha, spell ASA!”

4. Wag mo alalahanin ang mga taong di nag- aalala sayo baka pag naalala ka na nila, di mo na alalahanin na inalala mo sya noon.

5. Kahit gaanoi nyo pa kamahal ang isa’t isa, kung di talaga kayo gagawa at gagawa ng dahilan ang panahon para hindi kayo magkatuluyan.

6. Wag mong ipakitang nalulungkot ka sa ibang tao kung wala ka naming balak magbahagi ng problema ng problema mo prara kang nag – alok ng candy pero hindi mo naman ibibigay.

7. Minsan gusto na kita pakawalan pero minsan gusto ko lang na kasama ka kaya hangga’t di ko pa alam kung ano talagang gusto ko, subukan na lang natin na magsama habang buhay dahil masaya akong kasama ka.

8. Barkada days aren’t over. We still find time to see and to talk to one another. Minsan nga sabi ng mga tao, “sino sila? Barkada mo noon?” sabi ko, “di ah.barkada ko habang panahon.”

9. Minsan ang ibang tao pag tinitignan mo mukhang masayahin, pag nakakasama mo kalog, pag naging kaibigan mo gusto laging masaya pero ang hindi mo alam pag mag- isa lang din yun napapagod din sya sa ikot ng mundo at kaya lang din nya nakakayanan ay dahil sa mga kaibigan nyang tulad ninyo, tulad mo.

10. Do you know where the best place in the world is? It is right beside a friend who is always there for you when you feel you’re alone. Usog ka, tabi tayo.

11. Katangahan bang lumapit ka kahit umiiwas sya? Magpapansin kahit binabaliwala ka lang nya? Maghintay sa wala? Ikaw ba ang tanga dahil umaasa pa o sya na di makaunawang sobrang mahal mo sya?

12. Daga1: ako tapang, kain ako racumin
Daga2: mas tapang ako, kain ako cheese with mouse trap
Daga3: tapang ako sa lahat!
Daga 2: Bakit?
Daga3: girlfriend ko pusa.
Makes sense? Be brave enough to love someone whom you know might kill or hurt you in the end. (akalain nyo may lesson pala yun.)

13. It’s hard to let go of the different memories you’ve shared with a relationship. When you remember the tears, you’ll laugh. Funny isn’t it? But when you remember the laughs, bakit kaya nakakaiyak?

14. Wag kang masyadong sweet sa isang tao lalo na kung iba ang laman ng puso mo mo dahil yan kapag nahulog sayo, madadagdagan na naman ang mga emo.

15. Alam mo masaya ako kasi nakilala kita, napalapit ka sa puso ko at naging bahagi nito pero alam mo kung ano ang pinakamasaya at pinakamganda sa lahat? Yung hindi ka nagbabago kahit magkalayo tayo.

16. Kelan natatapos ang pagkakaibigan? Kapag iniwan ka nya? Kapag di ka nya tinulungan? Kapag nawala na ang tiwala mo sa kanya? O kapag sinimulan niyo ng mahalin ang isa’t – isa?

17. Iba ang saya kapag kasama ang topa. May tawanan, iyakan, kacornihan at syempre asaran. Minsan naisip ko the best talaga si lord noh? Kasi sa dami ng tao sa mundo, pinagsama- sama nya tao.

18. Tinanong ko si soulja boy yesterday sa kanto. Sabi ko: soulja boy, sinong bestfriend mo? Naiyak ak. Souljaboy: YOU! Wee. Nakakatouch naman.

19. Ang pagkakaibigan natin ay walang katapusan sa kwentuhan man o inuman pangakong walang iwanan. Amy yosi man o wala. Ambagan man o taya. Sa kasiyahan o awayan. Tropa hanggang kamatayan.

20. Pag may mahal ka, wag mo ibuhos ang lahat. Wag mo ipakitang mahal na mahal mo sya. Baka dumating ang araw ng magsisi ka dahil baka sabihing nyang, “mahal mo naman ako di ba? Di ka naman magagalit kung iiwan na kita?”

21. Sabi nila ang pag-ibig mahirap maintindihan, mas mahirap pa pag umasa ka, pero ang mas mahirap, ay hindi ka naman aasa, kung di ka binigyan ng rason para umasa diba?

22. Bakit kailangan makilala mo ang taong magpapatibok ulit ng puso mo pero hindi naman pala para sayo? Para saan pa ba sya? Tagahilom ng sugat ng nakaraan o tagadagdag ng sakit na nararamdaman?

23. Bakit kaya ang daling lumipas ng panahon? Parang nagyon masaya ka tapos maya maya malungkot mna...nakakatawa diba? Parang kahapon lang hawak mo sya,, tapos napikit ka lang, hawak na sya ng iba..

24. Hindi madaling magmahal ng iba, lalo na kung sa nakaraan ay may minahal ka ng sobra, pero minsan kailangan kalimutan ang nakaraan dahil ang magandang dahilan ay matatagpuan mo, sa kasalukuyan..

25. Masakit isipin na nagmahal ka sa taong alam mong di pwedeng mahalin. Subalit pano mo sya matututunang kalimutan, kung habang dumaraan ang mga araw, mas lalo mo syang minamahal.

Labels:

back to the top