126. Sa airport canteen, umorder ang isang Amerikano…
Kano : Miss, will you please give me one few two?
Tindera: What, sir?
Kano : I said one few two.?
Tindera: Oh, puto!
Kano : Yeah, thats right!
(Sa loob-loob ng tindera, Puto lang, pino-few two few two pa!
Gagantihan ko siya!)
Tindera: Okey, sir? What color do you want? Few la? or few ti?
127. Bakla,nagkwento tungkol sa boyfriend n'ya…
"ang sweet2 ng bf ku!bago kame matulog,nilalagyan n'ya ku ng plastik sa mukha.pag di na ku makahinga,tinatanggal n'ya.proud aku sa kaniya!dahil s'ya ang nagturo sa'kin magtipid!pag kumakain kame sa labas,ulam n'ya porkchop.aku,ketchup.nakakatuwa pa sa kaniya,di s'ya nanghihingi ng pera!kusa lang s'ya kumukuha sa wallet ku.kaso hiwalay na kame.yung mga kaibigan ku kase!siniraan s'ya.malikot daw kamay.s'ya nalang pumupunta sa bahay ku,nawala pa yung ref.sabe ku naman,baka namisplace lang!"
128. tanga1: Pare, akyat ka sa puno, pisilin mo yung bunga kung hinog na.
tanga2: (umakyat, pinisil ang bunga) Oo pare! Hinog na.
tanga1: Sige baba ka na sungkitin na natin!!
129. SIR: Knock Knock
Inday: Who's there?
SIR: KNOCK KNOCK..
Inday: Who’s there nga?!
SIR: HOI INDAY AMO MO TOH PAPASUKIN MO AQ
INDAY: ehh kasi sana kumakatok ka di lang sumisigaw ng knock knock.
130. 2 men drinking:
Man1: Pare bat wala ka pang syota hanggang ngayon. Tignan mo ako nakailang babae na.
Man2: (Blushes) meron..manhid ka lang kasi.
131. How to pass bad news!
Kumiriring ang telepono nang madaling araw.
“Hello master Carlos? Si arnaldo po ito. Yung katiwala niyo po sa bahay bakasyunan niyo.”
“Oh, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano’t napatawag ka? May problema ba?”
“uhm, napatwag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot.”
“yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird show?”
“Opo, master carlos, yun na nga po.”
“putris.. sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong yon! Hay, buhay! Teka, anu nga ba ikinamatay niya?”
“eh, kumain po kase ng bulok na karne.”
“bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?”
“w-wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo.”
“patay na kabayo? Anung patay na kabayo, mr. Arnaldo?”
“eh yung mga thoroughbred horses niyo sir. Namatay po kase lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.”
“nasisiraan ka na ba ng bait? Anung kariton ng tubbiiiiiigg??”
“yun pong pinampatay namin ng sunog.”
“Diyos ko po! Anong sunog naman yang pinagsasasabi mo?”
“yung pong halos tumupok sa bahay niyo.. tumumba po yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis na kumalat yung apoy.”
“anu? Puuuuttt. Eh may kuryente naman dyan sa bahay—bakasyunan ah. Para saan yung kandila?”
“para sa burol po.”
“ano? Kaninong burol?”
“sa nanay niyo po sir, bigla kase siyang dumating dito nung isang gabi. Walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko..”
132. TEACHER: class alam naman nating lahat na ang tao ay nanggaling ka adam at eba..
BERTO: mam sabi po ng tatay ko galing sa unggoy..
TEACHER: Berto di natin pinaguusapan san nanggaling pamilya mo..ok?
133. Isang prof nag didiscuss sa class...
PROFF: Nakikita ba natn ang Diyos?
CLASS: Hindi po
PROFF: Nakikita niyo ba ang katawan niya?
CLASS: Hindi po
PROFF: Nakikita nio ba siya sa langit??
CLASS: Hindi rin po
PROFF: Kung ganon, isa lang ang ibig sabihin nun, walang Diyos talaga!!
Nanahimik ang buong klase, nang biglang may tumayong isang student..
BOY: Class, nakikita nyo ba ang utak ni sir??
CLASS: Hindi...
BOY: Class, nakikita nio ba na gumagana ang utak ni sir??
CLASS: Hindi rin..
BOY: Kung ganon, ayon sa sabi ni sir walang utak si sir kasi hndi natin nakikita ang brain nya!!!
134. student:sir, parurusahan nyo ba kami sa isang bagay na hindi namin nagawa?
prof:aba siyempre hindi!
s: talaga po?
p:oo naman
s:promise
p:(sabay taas ng kanang kamay)promise
s: OI MGA CLASSMATES!! OK NA DAW NA HINDI GAWIN YUNG HOMEWORK!!! YEHEEEEEY!!!
135. A boy calling a girl on her cellphone:
krrrrriiiiiing!
Girl: hello!
Boy: hi. May I ask you something?
Girl: what's that?
Boy: may I get your number?
136. American Guy named Paul challenged a Pinoy, “Use my name 4 times in a sentence.”
Pinoy thinking. "Paul, be carepaul, you might paul in the swimming paul!"
Oh laban ka ??
137. “Sawang sawa na ako palagi nalang akong pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako.”
-bola
138. “Hindi lahat ng bumabagsak nagsusummer at nagiging irregular student!”
-Morales!
139. “Hindi lahat ng kulot ay salot.”
-goldilocks
140. “Pinapaikot mo nalang ako palagi, mabuti pa't patayin mo nalang ako.”
-electricfan
141. “Ang yabang yabang mo! pinagtatawanan moko samantalang dati patay na patay ka sakin.”
-NOKIA 5110
142. “Bwisit talaga yung tao na un! Pagkatapos akong makuha at sabihing mahal ako, tinapak-tapakan niya lang ako!”
-Havaianas!
143. “Hindi lahat ng maasim ay vitamin C.”
-kilikili
144. “Hindi lahat ng Monster pumapatay.”
-Cookie Monster
145. “Hindi lahat ng green, masustansya.”
-plema
146. “Hindi lahat ng malakas, superhero.”
-putok
147. “Sige, magpakasasa kayo! Alam ko naman na katawan ko lang ang habol niyo!”
-hipon
148. “Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sayo?”
-Lego
149. “Pilitin mo man akong alisin sa buhay mo, babalik at babalik parin ako!”
-Libag
150. “Kung walang nagtitext sayo, andito naman ako. Itext mo lang ako, segundo lang magrereply na ako.”
-Balance Inquiry
Labels: jokes