26. Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
- Bob Ong
27. Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaaring mawala.
- Bob Ong
28. Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.
- Bob Ong
29. Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso angtenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.
-Bob Ong
30. Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre- report sa trabaho para lang matulog.
- Bob Ong
31. Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!
- Bob Ong
32. Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarao at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag –ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon at hindi bumili ng libro ko.
- Bob Ong
33. Pero tanging ang utak lang ng tao- sa buong kalawakan- ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.
-Bob Ong
34. Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
-Bob Ong
35. Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.
-Bob Ong
36. Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
-Bob Ong
37. Minsan, kailangang ituro ng mnundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.
-Bob Ong
38. Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila.
-Bob Ong
39. Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.
-Bob Ong
40. Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.
- Bob Ong
41. Hiwalayan mo na kung hindi ka masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
- Bob Ong
42. Sumama ka sa mabuti hindi sa mabait. Sumama ka sa marunong hindi sa matalino. Sumama ka sa mahal ka hindi sa gusto ko.
- Bob Ong
43. Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
-Bob Ong
44. …ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…
-Bob Ong
45. Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.
-Bob Ong
46. Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat 'yon e importante at kailangan mong matutunan.
-Bob Ong
47. Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku - bawal na magtampo! Kasi super na yan.
-Bob Ong
48. Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa 'yo sa bisyo.
-Bob Ong
49. Hell ang high school. Cool.
-Bob Ong
50. Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.
-Bob Ong
Labels: bob ong quotes