1. Nalaman kong hindi pala exam na may assing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Hinuhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
- Bob Ong
2. Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.
- Bob Ong
3. Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.
- Bob Ong
4. Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.
- Bob Ong
5. Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
- Bob Ong
6. Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkarron ng lahit isa man lang na paboritong libro nila dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
- Bob Ong
7. Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala
- Bob Ong
8. Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
- Bob Ong
9. Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
- Bob Ong
10. Ayokong nasasanay sa mga bagay na pede namang mawala sa buhay ko.
- Bob Ong
11. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
- Bob Ong
12. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
- Bob Ong
13. Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
- Bob Ong
14. Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
- Bob Ong
15. Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.
- Bob Ong
16. Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.
- Bob Ong
17. Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
- Bob Ong
18. Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?
- Bob Ong
19. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
- Bob Ong
20. Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
- Bob Ong
21. Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.
- Bob Ong
22. Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.
- Bob Ong
23. Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?
- Bob Ong
24. Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.
-Bob Ong
25. Kahit ikaw ay parang batong manhid at walang pakiramdam, magingat- ingat ka naman dahil kahit ganyan ka hindi nasasaktan kaya mo namang makasakit.
-Bob Ong
Labels: bob ong quotes